Martes, Pebrero 21, 2012

Grilled Pork Lemon Grass Skewers

Noong una, hindi ko alam kung ano at kung paano ito gawin, dahil hindi ako pamilyar sa pagkaing ito. Kaya naisip ko na baka masarap ito dahil napaka-sosyal ng pangalan. Kaya lang noong bibili na kami ng mga ingredient’s para  dito, natuklasan kong pangkaraniwang pagkain lang ito dahil pangkaraniwan lang din ang mga ingredients; grilled pork, flour, egg, soysauce at iba pa. Isa ito sa mga napaka-sayang ginawa namin sa pagluluto dahil nakaranas kaming mag-grill sa school at mag-lamas o maghalo ng mga ingredients sa iisang lalagyan gamit ang kamay.
                Ang gara ng hitsura ng kinalabasan ng itsura noh?? Mukhang pang-sosyal!! =D pero sa totoo lang ay lasang BURGER PATTY lang yan, ang tawag nga namin doon ay hindi Grilled Pork Lemon Garass Skewers kundi “Patty” =D.  Pero sa kabuuan naman nito ay masarap at nakakabusog.      

TILAPIA FILLET IN GARLIC CHILLI SAUCE:

Madaming mga paghihirap at sobrang kapaguran ang naranasan namin bago naisagawa ng maayos ang ang pagkaing ito. Lalung-lalo na pagdating sa mismong pagtatanggal ng laman at pagfi-fillet ng Tilapia, marami akong pagkakamali nagawa noong umpisa at buti nalang ay natutunan ko ng maayos ang tamang proseso  noong lumaon at nagging successful at masarap ito. At ilan sa mga natutunan ko ang mga importanteng bagay na ito:
* unahin ang pagtatanggal ng mga lamang-loob ng Tilapia o isda kaysa sa mismong pagfi-fillet upang mas madali at hindi kumplikado.
* wag masyadong maglagay ng maraming Siling labuyo.
*  tulungan at team work sa isa’t isa para mas masaya.
* at ang higat sa lahat, dapat hindi mapurol ang gagamiting kutsilyo upang mas mapadali ang trabaho.



Sa mismong lasa naman ng Tilapia in Garlic Chilli Sauce, masasabi mong masarap ito, napasobra lang kami sa Siling labuyo kaya nangibabaw ang pagka-anghang nito. At dahil na din sa sugar ang isa sa mga ingridients na nakalagay sa aming sauce, nagging parang caramel ito dahil sa bilis nitong tumigas. Ngunit sa pangkalahatan tingin ko naman ay napaka-sarap nito.

OKOY w/ TOGE =)

Noong ibinigay sa amin ng aming professor ang recipe ukol sa Okoy, nagulat kaming lahat dahil nagtataka kami kung bakit may inilalagay na Toge sa Okoy??? Hindi kasi kami pamilyado sa paglagay nito roon, ngunit noong magluluto na kami nito, doon namin napagtanto na maari pala talaga iyong ilagay, at nakakapag-padagdag pa ito ng lasa at sustansya sa pagkain.
                Trial ang Error ang nangyari sa amin noong nilulutop iyon, sapagkat hindi namin makuha ang tamang hitsura at lasa ng isang Okoy, minsan ay kulang sa lagkit kaya dadag-dagan namin ito ng flour o cornstarch, minsa’y walang lasa kaya bibigyan ng asin o patis, ngunit buti nalng at nakuha namin ang eksaktong lasa para dito, at mas lalong nagpasarap ng pa rito ang ginawa naming sawsawan na pinaghalo na suka, sibuyas, patis at ketchup na ternong-terno sa lasa ng Okoy na aming nagawa. =)