Martes, Pebrero 21, 2012

TILAPIA FILLET IN GARLIC CHILLI SAUCE:

Madaming mga paghihirap at sobrang kapaguran ang naranasan namin bago naisagawa ng maayos ang ang pagkaing ito. Lalung-lalo na pagdating sa mismong pagtatanggal ng laman at pagfi-fillet ng Tilapia, marami akong pagkakamali nagawa noong umpisa at buti nalang ay natutunan ko ng maayos ang tamang proseso  noong lumaon at nagging successful at masarap ito. At ilan sa mga natutunan ko ang mga importanteng bagay na ito:
* unahin ang pagtatanggal ng mga lamang-loob ng Tilapia o isda kaysa sa mismong pagfi-fillet upang mas madali at hindi kumplikado.
* wag masyadong maglagay ng maraming Siling labuyo.
*  tulungan at team work sa isa’t isa para mas masaya.
* at ang higat sa lahat, dapat hindi mapurol ang gagamiting kutsilyo upang mas mapadali ang trabaho.



Sa mismong lasa naman ng Tilapia in Garlic Chilli Sauce, masasabi mong masarap ito, napasobra lang kami sa Siling labuyo kaya nangibabaw ang pagka-anghang nito. At dahil na din sa sugar ang isa sa mga ingridients na nakalagay sa aming sauce, nagging parang caramel ito dahil sa bilis nitong tumigas. Ngunit sa pangkalahatan tingin ko naman ay napaka-sarap nito.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento