Noong una, hindi ko alam kung ano at kung paano ito gawin, dahil hindi ako pamilyar sa pagkaing ito. Kaya naisip ko na baka masarap ito dahil napaka-sosyal ng pangalan. Kaya lang noong bibili na kami ng mga ingredient’s para dito, natuklasan kong pangkaraniwang pagkain lang ito dahil pangkaraniwan lang din ang mga ingredients; grilled pork, flour, egg, soysauce at iba pa. Isa ito sa mga napaka-sayang ginawa namin sa pagluluto dahil nakaranas kaming mag-grill sa school at mag-lamas o maghalo ng mga ingredients sa iisang lalagyan gamit ang kamay.
Ang gara ng hitsura ng kinalabasan ng itsura noh?? Mukhang pang-sosyal!! =D pero sa totoo lang ay lasang BURGER PATTY lang yan, ang tawag nga namin doon ay hindi Grilled Pork Lemon Garass Skewers kundi “Patty” =D. Pero sa kabuuan naman nito ay masarap at nakakabusog.