Martes, Pebrero 21, 2012

OKOY w/ TOGE =)

Noong ibinigay sa amin ng aming professor ang recipe ukol sa Okoy, nagulat kaming lahat dahil nagtataka kami kung bakit may inilalagay na Toge sa Okoy??? Hindi kasi kami pamilyado sa paglagay nito roon, ngunit noong magluluto na kami nito, doon namin napagtanto na maari pala talaga iyong ilagay, at nakakapag-padagdag pa ito ng lasa at sustansya sa pagkain.
                Trial ang Error ang nangyari sa amin noong nilulutop iyon, sapagkat hindi namin makuha ang tamang hitsura at lasa ng isang Okoy, minsan ay kulang sa lagkit kaya dadag-dagan namin ito ng flour o cornstarch, minsa’y walang lasa kaya bibigyan ng asin o patis, ngunit buti nalng at nakuha namin ang eksaktong lasa para dito, at mas lalong nagpasarap ng pa rito ang ginawa naming sawsawan na pinaghalo na suka, sibuyas, patis at ketchup na ternong-terno sa lasa ng Okoy na aming nagawa. =)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento